Pansamantala

Pagkatapos ng klase ko, nagmamadali akong umuwi upang maabutan pa ang pagupitan sa Junction.

Naghihintay ako ng masasakyan. Pinalilibutan ako ng sari-saring tao. Nagkukuwento ng libong istorya na sinulat ng tadhana sa mukha ng Baguio ang bawat galaw ng paa, ngiwi ng ulo, kumpas ng kamay at lukot ng mukha. May lalaki sa harap ko, pormal ang pananamit: kulay ubeng long sleeve, black pants at black shoes. Siguro office boy. Mayroon naman iyong binata sa may tapat ng hagdan paakyat ng overpass na nag-aalok ng tig-sasampung pisong pechay. Suot ang kupas na black na jersey short at grey na t-shirt, mapapansin ang bigat ng dalahin. Tapos, may lalaki pa sa tabi ko na mahaba ang buhok. Nakatatakot. May hikaw. Parang gangster at parang pinsan ni gravity. Siguro, konting dampi lang ng daliri niya sa taong nasa likod ko na parang si Palito na binalutan ng berdeng sweater at tutumba agad.

Dadaan-daan ang iba’t ibang uri ng tao na may sari-saring kwento at dalahin. Mayroon iyong may bitbit na supot ng Puregold o Sunshine. Iyong iba notebook ang hawak habang selpon naman sa karamihan. Halos lahat ng dumadaan, nakatakip sa ilong. Siguro upang ma-filter muna ang hanging lalanghapin matapos maging elemento ng halu-halo ng hangin mula sa usok ng Hilux, Revo, Starex, Innova, Civic, Jeep, at sa pagpabahing, pagsinghot ng mga batang namumulot ng mga plastik habang nakikipag-patintero sa daan. Marami-rami na rin ang dumaang bulag sabay sa tik-tok ng kanilang patpat na hawak, mga pito na sila. Nakamamangha!

Mayroon din iyong mamang bitbit ang isang asul na supot na may lamang bangus na halata mong kating-kati nang umuwi. Marahil ay iniisip ang lulutuing sinigang para sa pamilya sahog ang pechay na iniaalok ng binata kanina.

Sa totoo lang, natutuwa talaga ako kung paanong pansamantalang napatitigil ang iba’t ibang takbo ng buhay kung nakapila para makauwi.

Minsan, talagang kailangan tumigil pansamantala upang makapagatuloy. Nakakapagod mamuhay kung hindi.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s